Pinatunayan ng dalawang lola na edad 85 at 75, na "age is just a number" pagdating sa edukasyon nang maka-graduate sila ng senior high school sa tulong ng Alternative Learning System (ALS) sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Maki Pulido sa GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing pursigido ang mag-BFF na sina Lola Amparo Bergonia at Lola Elena Briones, na tapusin sa kanilang ALS ng Department of Education (DepEd).

Target daw ni Lola Elena na makapagturo rin.

"Kagaya ko ring matatanda, tuturuan ko rin sana sila na magpatuloy pa rin ng kanilang pag-aaral," sabi ni Lola Elena.

Gusto rin ni Lola Amparo na maging guro, pero dahil may edad na, masaya na raw siya na maka-graduate ng high school.

Sa kabila ng pagiging Person With Disability (PWD), pursigido ring makatapos ang kapitbahay nina Lola Elena at Lola Amparo na si Lolo Marcelino Jose, 78-anyos.

"Malaking tulong sa pakiramdam ko," sabi ni Lolo Marcelino, na siya ring gumagawa ng kaniyang artificial leg.

Pursigido rin ang 45-anyos na si Manolo Salvador, na Grade 5 ang inabot.

Sinabi ng ALS District Coordinator ng Cuyapo na si Carlito MaƱalac na mahirap kumbinsihin na bumalik sa pag-aaral ang ilang mahihirap sa liblib na lugar, pero hindi sila sumuko..--Jamil Santos/FRJ, GMA News