Hindi gaya sa ibang lugar na maitim at mabaho ang tubig-baha, ang isang buong barangay sa Batasan Island sa Bohol, sobrang linaw ang baha at may makikita pang mga isda.
Sa video ng GMA Public Affairs Exclusives, nagmimistulang beach ang tapat ng mga kabahayan sa barangay sa Tubigon tuwing binabaha sila.
Kaya sa halip na mainis dahil pinapasok ng tubig ang kanilang mga bahay, pinipili na lang ng ibang residente na i-enjoy ang baha at magtampisaw sa malinaw na tubig.
Pero ayon sa mga residente, hindi raw ganito ang sitwasyon ng kanilang barangay noon.
Nagsimula raw silang bahain matapos makaranas ng magnitude 7.2 na lindol noong 2013.
May direkta nga bang kinalaman ang lindol sa naturang pagbaha? At bakit nga ba napakalinaw ng baha sa kanilang lugar ? Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News
