Nagdamit bilang si Valak at "nagpabakuna" kontra COVID-19 ang isang nurse sa Cebu City para iparating ang mensaheng mas nakakatakot ang coronavirus kaysa multo.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, makikita ang mga larawan ni Nikko Angelo Adal na naka-costume bilang si Valak o ang multong madre na kinatatakutan sa isang horror film.

Pero ayon kay Adal, pagsasadula lamang ang kanyang ginawa dahil fully-vaccinated na siya bilang isang nurse at vaccinator.

Naisipan nila ng kaibigan ang pakulo upang mahikayat ang iba na magpabakuna na.

Iwas din ito sa pagkabagot dahil kaunti lamanng umano ang pumupunta sa kanilang vaccination site. —Jamil Santos/LBG, GMA News