Sinurpresa ng bride ang kanyang groom sa regalo nitong isang boteng toyo at isang tsekeng nagkakahalaga ng P1 milyon, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Martes.
Ang nasabing tseke ay post-dated kung saan makukuha lang ng groom ang pera sa taong 2071 o sa kanilang 50th wedding anniversary.
Simbolo raw ang tseke na nais ng bride na umabot sila ng 50th wedding anniversary, habang ang toyo naman ay simbolo raw ng pagiging topakin ng groom at toyoin ng bride.
Makikita sa reaksyon ng groom na si Ver Joseph Farenas ang gulat at tuwa nang matanggap niya ang regalo ng bride niyang si Eufra Ednalino-Farenas.
Bago ang kasal ay siyam na taon nang magkarelasyon ang dalawa. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News
