Isang college student sa Cebu City ang nagka-bonus pa matapos magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles, nagpabakuna si Ferly Doldolea bilang proteksyon laban sa coronavirus.

Laking gulat ni Ferly nang nanalo siya ng bagong motorsiklo sa raffle.

Ayon sa kanya, matagal na niyang gustong magkaroon ng sariling motorsiklo. —Sherylin Untalan/KG, GMA News