Hindi pinatawad ng mga kawatan ang pera sa donation box na nasa loob ng isang simbahan sa Batangas na kanilang kinulimbat.
Sa ulat ni Paul Hernandez sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Lunes, sinabing sinira ng mga kawatan ang kandidato sa donation box na nasa loob ng Most Holy Rosary Parish sa Padre Garcia, Batangas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nangyari ang makawan noong Sabado ng madaling araw. Natuklasan ang nangyaring paglimas sa pera sa donation bukas kinabukasan ng umaga, Linggo, nang makita na sira ang kandidado nito at wala nang laman.
Hindi raw bababa sa P3,000 ang natangay perang donasyon ng mga kawatan, ayon pa sa pulisya.
Posible umano na nasa dalawa katao ang sumalakay na kawatan.
Wala pang pahayag ang pamunuan ng simbahan sa nangyaring nakawan.
Habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan.-FRJ, GMA News
