Naging mas memorable ang first time na pagkikita ng isang Pinay at nobyo niyang Briton nang "basbasan" ng isang aso ang kanilang date sa beach.

Sa video ng "Make Your Day," napag-alaman na bago ang kanilang pagkikita, limang taon nang dating online sina Marianne Grace Layasan, at nobyo niyang si Jamie, na mula sa England.

Laking tuwa ng dalawa nang hindi umulan sa kanilang pagpunta sa beach. Ito ang unang pagkakataon ni Jamie na magsu-swimming sa beach dahil lumaki siya sa England na malamig ang klima.

Upang makakuha ng romantic shots na magkasama, inilapag nila sa buhangin ang kanilang cellphone na naka-video mode.

Pero nang panoorin na nila ang kuha, nakita nila ang ginawang "basbas" ng aso sa kanilang cellphone.

"We honestly din not know that happened until we rewatched the whole clip. We laughed when we saw the video of the dog pissing on the phone," ayon kay Marianne.

Mabuti na lang at waterproof ang kanilang cellphone. -- FRJ, GMA Integrated News