Tinakpan na ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang signage sa isa nilang istasyon na mali ang baybay sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue station.

“That one signage might be a little ‘letterally challenged’ sometimes, but to rest assured our trains are running smoothly to bring you safely where you need to go,” saad ng LRT-1 sa kanilang post sa X (na dating Twitter).

“Our team is already working on the updated signage today. Ingat po!” dagdag pa nito.

Una rito, napansin ng mapagmasid na mga mata ng netizens ang sablay na pagkakasulat sa buong kahulugan ng NBI sa signage sa LRT-1 Taft Station, na “National Bureau of Investagation.”

 

 

Pinasalamatan ni LRT Spokesperson Jacqueline Gorospe ang netizens sa pagkakapansin sa pagkakamali.

“Our team is already working on the updated signage today. We would like to thank the netizens for the feedback,” sabi ni Gorospe sa GMA News Online. —FRJ, GMA Integrated News