Kinaaliwan ng netizens ang todo-hataw na pag-indak ng isang ama, na kaniyang paraan para mapatahan ang kaniyang baby sa General Trias, Cavite.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, mapapanood ang isang video ni Tatay Ariel na halos maging pambato na sa Pinoy pop para mapatahan lamang si Baby AA.

Effective naman ang ginawa ng tatay dahil naging literal na "baby kalma" ang kaniyang anak nang magsayaw na siya.

Game na sumayaw si Tatay Ariel sa dance remix na Budots man, twerk, o sa malalang kaldagan.

Level-up pa minsan ang kaniyang pakulo dahil mayroon pa siyang matching costume.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News