Namukadkad na pagkalipas ng 15 taon ang kakaibang bulaklak na tinatawag na “Corpse Flower” na pinipilihan ng mga tao sa Sydney, Australia kahit hindi kaiga-igaya ang amoy.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing matatagpuan sa Royal Botanic Garden ang Corpse Flower na parang nabubulok na karne umano ang halimuyak.
Kilala ang bulaklak dahil sa kakaibang amoy nito, kung saan ilang oras pumila ang mga bisita upang masilayan ito at maamoy.
Ito ang ikalimang beses na namukadkad ang bulaklak sa nasabing botanic garden mula pa noong 2006. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News