Nahuli-cam sa loob ng isang bahay sa Lapu-Lapu City, Cebu ang panloloob ng isang lalaki na nakasuot lang ng brief at face mask.

Sa ulat ni Guam Logronio ng Super Radyo Cebu sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabing nakita sa CCTV camera sa loob ng bahay sa Barangay Maribago ang suspek na may bitbit ang isang vault.

Sinasabing naglalaman ng P5 milyong ang naturang vault na natangay ng suspek na kalbo rin.

Ayon sa pulisya, isang Korean natoinal na may nobyang Pinay ang may-ari ng bahay.

Makapasok umano ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ng bahay.

Patunay pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng kawatan. -- FRJ, GMA Integrated News