Patay na nang mapadpad ang isang megamouth shark sa dalampasigan sa Caramoran, Catanduanes.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mahigit 18 talampakan ang haba ng pating na nakita ng mga residente sa Barangay Tubli.

Patuloy na tinutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng pating.

Madalas nakatira sa pinakamalalim na parte ng karagatan ang megamouth shark.

Pero napupunta ito sa mababaw na bahagi ng dagat upang maghanap ng pagkain, may pagbabago ng klima, o may dinaramdam na sakit.

Makalipas ang pagsusuri, inilibing na ng pating. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News