Ipinosas ng isang lalaki na nagpakilalang dating pulis ang kaniyang sarili sa tow truck cable para hindi mahatak ang kaniyang AUV sa isinagawang "Bantay Sagabal" operation ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng umaga.Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News “24 Oras,” iginiit ng lalaki na hindi dapat magsagawa ng operasyon ang MMDA sa Crispulo Street sa North Caloocan dahil sakop umano iyon ng private subdivision.“Pakita niyo muna yung basis ng jurisdiction niyo dito. Ito ba ay pag-a-ari na ba ng city hall ‘to? Unang-una, wala ngang pasabi ang barangay,” katwiran niya sa tauhan ng MMDA.Ang himutok ng lalaki, sinegundahan ng isa pang residente na nahuli rin.“Dito ako pinanganak. Alam ko na ito ay private. Sabi ko pakita sa amin kung ito ay na-turnover sa city government or local government,” paliwanag niya.Pero nanindigan ang MMDA na public road ang kahabaan ng Crispulo Street.“Itong kahabaan ng kalsadang ito, hindi po ito private. If it’s a private road, unang-una, dapat gated po ito. It is turned into an alternate route,” ayon kay MMDA Special Operations Group- Strike Force head Gabriel Go.Sinabi pa ng MMDA na may reklamo sa Presidential Hotline dahil sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa lugar.Sa huli, pumayag ang lalaki na alisin ang kaniyang posas sa kable pero inisyuhan pa rin siya ng tiket.Nagsagawa rin ng operasyon ang MMDA sa Camarin Road, na bahagi rin ng North Caloocan.Ipinaliwanag ng MMDA na kailangan nilang linisin ang Crispulo Street at Camarin Road mula sa mga nakakasagabal na sasakyan dahil nagsisilbi itong alternate routes sa mga motoristang apektado ng ginagawang MRT-7, lalo na ang mga galing sa Quirino Highway. -- FRJ, GMA Integrated News