Nasa 18 kabayo na nakakawala sa isang farm ang nakarating sa kalsada at nakipagsabayan sa ilang motorista sa Davao City.Sa ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing ikinagulat ng ilang motorista nang makita ang mga kabayong naglalakad sa kalsada nitong Lunes.Mula sa Buhangin, tinahak ng mga kabayo ang lugar ng Bajada at Lanang.Kaagad namang rumesponde ang Bajada Police Station matapos matanggap ang ulat tungkol sa mga kabayo. Inalalayan nila ang mga kabayo pabalik sa farm sa Barangay Tigatto.Sa imbestigasyon ng pulisya, nasira umano ang bakod sa farm kaya nakakawala ang mga kabayo.Sa kabutihang-palad, wala namang nasaktan o napinsala sa mistulang pamamasyal na ginawa ng mga kabayo.-- FRJ, GMA Integrated News