Sugatan ang driver, habang nagtamo ng matinding pinsala ang minamaneho niyang SUV matapos mabagsakan ng malaking tipak ng semento na nagmula sa ilalim ng Skyway sa Ninoy Aquino Avenue sa Barangay Tambo, Parañaque ngayong Miyerkoles.
Sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB, sinabing nagtamo ng sugat sa ulo ang driver na dinala sa ospital. Habang nawasak ang bubungan at windshield ng kaniyang sasakyan.
Sa paunang impormasyon mula sa Skyway Marshall, dumadaan sa ilalim ng expressway ang biktima at patungo sa NAIA Road nang biglang bumagsak ang tipak ng semento.
Patuloy pang iniimbestigasyon ang dahilan ng insidente.
FLASH REPORT: Isang tao, sugatan matapos mabagsakan ang kanyang sasakyan ng tipak ng semento mula sa bahagi ng Skyway at NAIAX sa Brgy. Tambo, Parañaque City. | via @SurfaceCarlo pic.twitter.com/JT6hh5LQHU
— DZBB Super Radyo (@dzbb) June 11, 2025
Inihayag din sa Facebook post ng Traffic and Parking Management Office ng Parañaque ang resulta ng pormal na imbestigasyon sa nangyari. -- FRJ, GMA Integrated News