Isang dambuhalang lapu-lapu na may bigat na 150 kilo ang nahuli sa Paracale, Camarines Norte.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing pitong residente ng Barangay Palanas ang nagbuhat nito dahil sa laki ng nahuling isda.
Agad din itong binili ng isang negosyante.
Gayunman, naging pahirapan ang pagkatay sa isda dahil sa kapal ng kaliskis nito. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
