Isang baka na ilalaban sa Juego de Toro o bullfight ang nakawala at dumiretso sa paglangoy sa dagat sa Cataingan, Masbate.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, makikita ang paglabas ng baka sa kulungan at pagtakbo nito papunta sa dagat bago magsimula ang bullfight.
Nagawa ng baka na makalangoy nang malayo kaya gumamit ng bangka ang mga humabol sa kaniya.
Kalaunan, nahuli at naisakay ang baka sa bangka, at naibalik nang ligtas sa dalampasigan.
Inihayag naman ng People For The Ethical Treatment of Animals (PETA), na handa silang kupkupin ang baka na tila nais umanong mabuhay.
“PETA stands ready to take the cow to a sanctuary where they will not need to worry about defending their lives ever again,” sabi ng PETA.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
