Isang buwaya ang pinakasalan ng mayor bilang bahagi ng tradisyon sa lugar sa Oaxaca, Mexico.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita ang buwaya na naka-all-white pa nang halikan ng mayor na si Daniel Gutierrez.

Mahigit 200 taon na itong tradisyon, na sumisimbolo sa koneksyon ng mga tao at hayop.

Sa wedding ritual, itinuturing si mayor groom bilang hari ng ethnic group na Chontal, habang ang buwaya naman ang prinsesa ng mga Huave.

Ang pagsasama ni mayor at ng buwaya ay pinaniniwalaang magdadala ng masaganang ani at mabiyayang huli sa dagat. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News