Ilang sakay ng isang sasakyan ang nagulat matapos biglang tumambad ang isang ahas sa windshield sa Banga, South Cotabato.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing inilahad ng driver na dumaan muna sila sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan may mga puno.

Dumiretso lamang sila sa kanilang biyahe at ginamit ang wiper ng sasakyan para maalis ang ahas. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News