Nagulantang ang lady reporter at crew ng Rudaw TV nang biglang bagsakan ng bomba ng Israeli jets ang gusali ng Ministry of Defense sa Damascus, Syria nitong Miyerkules.
Napatigil sa kanylang live report ang mamamahayag dahil sa ingay ng mga eroplanong lumilipad sa itaas, at nakita sa kaniyang likuran ang unang pagsabog. Ilang malalakas na pagsabog pa ang narinig at nasundan ng makapal na usok.
Sa pagkabigla, napatakbo ang news team upang kumubli.
Ngunit ilang saglit lang, tinawag ng lady reporter ang may hawak ng camera para bumalik at kuhanan ng video ang nangyari.
Ayon sa mga opisyal ng Syria, ang naturang pag-atake, na naganap ang insidente ilang oras matapos ang isang drone strike sa parehong lugar sa kabisera. Tatlo umano ang nasawi at 34 ang nasugatan.
Nagpapakita umano naturang airstrike sa Damascus ng paglala sa kampanya ng Israel, na ayon sa kanila ay layuning protektahan ang relihiyosong minoryang Druze at itaboy ang mga militanteng Islamiko palayo sa hangganan ng kanilang terirtoryo.
Nag-anunsyo ang mga opisyal ng Syria at mga pinuno ng Druze ng panibagong tigil-putukan nitong Miyerkules, matapos ang ilang araw ng sagupaan na nagbabantang wasakin ang transisyon sa politika ng bansa matapos ang digmaan. Humikayat sila ng military intervention sa kalapit-bansa na Israel.-- Courtesy: Rudaw TV via AP/ FRJ, GMA Integrated News
