Isang sawa ang nakitang katabi ng alagang manok sa loob ng kulungan nito sa Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa YouScooper na si Zaldy Posadas Tamayo, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Huwebes, nakita na lang niya ang ahas kasunod ng pagbaha sa kanilang lugar.
Posibleng nabulabog umano ang ahas sa natural nitong tirahan nang tumaas ang tubig.
Nagpaalala ang mga eksperto na huwag hahawakan at huwag sasaktan ang makikitang ahas. Sa halip, ipagbigay-alam agad ito sa mga awtoridad para ligtas na ma-rescue. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Malaking sawa, nakitabi sa manok sa loob ng kulungan habang bumabaha sa Pangasinan
Hulyo 24, 2025 8:06pm GMT+08:00
