Viral ang pagkilay ng isang BPO worker sa isang ate na maintenance worker matapos na purihin ng huli ang kaniyang on fleek na kilay habang nag-aayos sa loob ng banyo ng isang gusali sa Davao City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood ang video ni Prince Danvier Suñer, na routine na ang paglalagay ng kolorete sa mukha para “game face on” siya sa trabaho.
Ngunit habang nag-aayos ng kaniyang mukha si Prince, dumating ang maintenance worker at napansin ang kaniyang brows, at pinuri nito.
Bilang pa-”thank you” ni Prince sa compliment ni ate, kinilayan niya na rin ito.
Ayon kay Prince, hindi puwedeng siya lang ang may palaban na face card sa trabaho.
Trending na may 1.4 million views ang unexpected pero heartwarming interaction nina Prince at ate. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
KILAY IS LIFE
BPO worker, inayusan ang maintenance worker na pumuri sa kaniyang on fleek na kilay
Agosto 28, 2025 5:22pm GMT+08:00
