Nasunog ang higanteng Imahen ng Our Lady of the Most Holy Rosary Shrine sa Casiguran, Sorsogon.

Sa ulat ng GTV News State of the Nation nitong Martes, sinabing mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa korona ng imahen na gawa sa fiber glass.

Naapula na ang sunog at nagsasagawa na ng imbestigasyon para alamin ang pinagmulan ng apoy.

Isa sa tinitingnan na posibleng dahilan ng sunog ay ang kandilang may sindi na naiwan sa ibaba ng dambana. – FRJ GMA Integrated News