Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres na si Christine Reyes ang ilang larawan nila ni Gio Tingson tungkol sa kanilang engagement.

Kabilang dito ang isang litrato na ipinakita ni Christine ang kaniyang engagement ring.

"Every timeline led here. Endgame unlocked," saad ni Cristine sa caption.

Sa comment section, bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens para sa magkasintahan.

Unang napabalitang nagde-date sina Cristine at Gio noong 2025, ayon sa ulat ng GMA Entertainment.

Naging chairperson si Gio ng National Youth Commission mula 2014 hanggang 2016. Nagsilbi rin siyang Chief Political Officer ni Bam Aquino mula 2016 hanggang 2018, at naging Chairperson ng Akbayan Citizen's Action Party mula 2018 hanggang 2022.

Samantala, ikinasal noon si Cristine sa professional MMA fighter na si Ali Khatibi noong 2016. Mayroon silang isang anak na babae na si Amarah, na ipinanganak noong 2015.

Pero noong Pebrero 2024, kinumpirma ni Cristine sa Fast Talk with Boy Abunda na mahigit isang taon na siyang annulled kay Ali.— Nika Roque/FRJ GMA News