Isinailalim sa lockdown ang Police Station 5 sa Mandaue City, Cebu matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang inmate sa swab test, ayon sa ulat sa 24 Oras News Alert nitong Sabado.

ADVERTISEMENT

Kukuhanan din daw ng swab test ang hepe ng police station, ang mga pulis at ang mga inmate, base sa ulat ng Balitang Bisdak ng GMA Regional TV.

Inatasan muna ang Police Stations 1, 2 at 3 na siyang rumesponde muna sa mga tawag ukol sa barangay na hawak ng Police Station 5.

Base sa ulat ng Department of Health nitong Biyernes, may 3,999 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas. Ang mga naka-recover ay 231 na at 59 naman ang pumanaw.

Kabilang sa mga may COVID-19 sa lalawigan ng Cebu ay si Lapu-Lapu City Mayor Junard "Ahong" Chan pati na ang kanyang driver at bodyguard. —KG, GMA News