Walang duda na susunod si Nate sa yapak ng kaniyang mga magulang na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa husay sa pag-awit.
Sa magkahiwalay na Instagram post nina Regine at Ogie, makikita ang makikita na ang magandang tinig ni Nate kahit limang-taong-gulang pa lang siya.
Sa video, inawit nina Regine at Nate ang "I Can," at umani ito ng paghanga sa kanilang mga followers.
Mayroong nang 216,557 views ang video na ipinost ni Regine, habang 146,810 views naman sa video ni Ogie.
Nakatakdang magdaos si Regine ng kaniyang concert na "R 3.0" sa Oct. 21 at 22 sa Mall of Asia Arena bilang selebrasyon ng kaniyang ika-30 taon sa showbiz. -- FRJ, GMA News
