Bigong maiuwi muli ng Pilipinas ang titulo bilang kampeon sa "Asia's Got Talent" matapos manaig ang pambatong illusionist na may kasamang kababalaghan na mula sa Indonesia na si 'Sacred Riana.'

Pumangalawa lang kay  'Sacred Riana,' o Marie Antoinette Riana Graharani, ang rocker-dance group na mula sa Compostela Valley na "DMX Comvaleñoz."

Lumaki ang pag-asa ng Pilipinas na muling maiuwi ang korona sa AGT nang makapasok sa final 10 ang tatlong pambato ng bansa— ang beatboxer na si Neil Rey Garcia Llanes, at isang all-Pinoy dance group na si Urban Crew.

Nakapasok naman sa top 3 si Llanes.

Sa nakaraang season ng "ASG," nagwagi ang pambato ng Pilipina na El Gamma Penumbra.

Nakapasok din sa finals ang iba pang Pinoy na batang mang-aawit na si Gwyneth Dorado,  gayundin ang classical singer na si Gerphil Flores, at dance group na Junior New System. -- FRJ, GMA News