Full-force ang Eat Bulaga Dabarkads nang sorpresahin at pasayahin nila ang Barangay N.S. Amoranto, Quezon City bilang pagdiriwang ng kanilang ika-40 anibersaryo.
"NGAYON lang kami nagsama-sama dito sa pinakamahalagang entablado sa puso namin--- ANG BARANGAY!" pahayag ng Eat Bulaga hosts sa Facebook page nito.
"Dito nagkikita-kita ang magkakapitbahay, magkakababata, mga pamilya. Kahit saan ka man pumunta, umuuwi tayo sa ating tahanan... sa barangay! Dito sa barangay nagsisimula at nabubuo ang pagbabayanihan kaya MAGBAYANIHAN tayo! Ngayon, hindi na lang sa TV, sa mismong tahanan nyo kami papasok!"
At sa pagpapatuloy ng kanilang "isang libo't isang tuwa," hindi isa kundi dalawang bahay ang sinugod: sina Bossing Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, ang magkakasama sa isang bahay samantalang sina Joey De Leon, Paolo Ballesteros, Alden Richards at Ryan Agoncillo naman sa isa pa.
Doble ang Kwentuhan, tutok na, Dabarkads! pic.twitter.com/QQeeYx86Xi
— Eat Bulaga (@EatBulaga) July 27, 2019
Sumabak naman ang Dabarkads Girls na sina sa Rush 4 Win Philippines na sina Luane Dy, Pia Guanio, Ciara Sotto, Toni Aquino, Malaya, Ryzza Mae Dizzon at Maine Mendoza.
BUKAS sa Rush 4 Win Philippines, Slippery Stairs!
— Eat Bulaga (@EatBulaga) July 26, 2019
Mga Dabarkads salu-salo po tayo sa isang masayang tanghalian bukas ng 11:30am. pic.twitter.com/FcmxeAg5Dm
May kantahan pa sa kalsada kasama ang Broadway Boys, Bakclash, Vocal Heroes Manly and Rangel, at si Kayla Rivera.
"Sa apatnapung taon, napatunayan nating kahit saan tayo makarating - pinakamalaking arena man sa bansa o sa abroad, o sa kalye, sa ilalim ng tulay, o sa tabing ilog man -- basta't sama-sama tayo, tuloy ang isang libo't isang tuwa!" payahag ng Eat Bulaga hosts. — Jamil Santos/DVM, GMA News