Inihayag ni AZ Martinez ang kaniyang paghanga kay Ralph De Leon dahil sa paglilinaw na wala itong mixed signals sa kaniya noong nasa loob sila ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Na-heartbroken kaya siya?
“For me po, wala po talaga akong nakitang signal. I didn't get any mixed signals at all talaga kasi ever since after ‘yung boys’ night out, ‘yung sa loob ng bahay ni Kuya, he cleared up everything to me, clarified everything," sabi ni AZ sa guesting nila ng ka-duo niyang si River Joseph sa kanilang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles.
"He's really been honest and straightforward with how he feels and thinks, and I appreciate that about him. So wala talaga,” dagdag ng Sparkle star.
Ibinahagi ni AZ kung paanong naging diretso sa kaniya si Ralph sa nararamdaman nito sa kaniya.
“After the BNO, kinausap niya ako na he just wants me to know na may mga nasabi siya sa loob, ‘yung confessions, gano'n niya. Pero he doesn't want me to think that there's more meaning to it.”
Kaya naman nilinaw din ni AZ na biro lamang ang ginawa niyang broken heart gesture matapos ang pagtatapat ni Ralph, at nag-asaran pa sila ng kapwa Sparkle artist na si Michael Sager.
Prangkang tanong ni Tito Boy kay AZ, "Some jokes mean more than jokes. Na-heartbroken ka talaga kay Ralph?"
Diretsong sagot din ni AZ, "Hindi naman po."
Nag-follow-up na tanong si Tito Boy kung nagkagusto si AZ kay Ralph.
“I'm not sure if tatawagin kong 'like.' Pero there were moments na kinilig din ako sa kaniya. Kinilig. And I admire him for how he is.”
Ilang fans ang gustong i-ship ang "AzRalph" dahil sa kanilang chemistry at madalas na magkasama noong nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Samantala, fourth big placers naman sina AZ at ka-final duo na si River sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.” Ang pares nina Brent Manalo at Mika Salamanca, o BreKa, ang Big Winner duo. — BAP, GMA Integrated News

