May sorpresang handog sina award-winning Kapuso journalist Jessica Soho at Martin Del Rosario sa moviegoers sa pelikulang “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie” sa Angeles City, Pampanga.

Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nakasalamuha ng cinemagoers sina Jessica at Martin habang nagbebenta ang dalawa ng mga ticket para sa dalawang malls sa Pampanga.

Nagbigay din sina Jessica at Martin ng signed movie posters sa mga manonood at nakapagpa-picture at video opportunities kasama sila.

Nagulat ang may 19 na magkaka-eskwela dahil noong bibili na sila ng tickets, naroon sina Jessica at Martin.

Inihayag nina Jessica at Martin ang kanilang malaking pasasalamat sa pagpili ng moviegoers na panoorin ang “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie.” —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News