Nagbabalik si Beauty Gonzalez sa “Pinoy Big Brother” house, ngunit hindi na bilang housemate kundi house guest.
Sa episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” nitong Sabado, ipinasilip ang pagbabalik ni Beauty sa Bahay ni Kuya sa kanilang pag-uusap sa confession room.
“Maligayang pagbabalik sa aking bahay, Beauty!” pagbati ni Kuya sa aktres.
“Hearing your voice I feel like I’m 16 again. Naks!” tugon naman ni Beauty.
Sa kaniyang pagpasok, sinalubong ang aktres ng mga pagyakap mula sa mga housemate na sina Sofia Pablo at Marco Masa.
Matatandaang unang pumasok si Beauty sa Pinoy Big Brother noong 2008 bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.”
Bibida rin si Beauty sa “House of Lies” kasama sina Kris Bernal, Mike Tan, Martin Del Rosario at iba pang stars.
Napanonood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0" sa GMA Network Lunes hanggang Biyernes ng 9:40 p.m. at Sabado at Linggo ng 6:15 p.m. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

