Napansin ng mga mapagmasid na netizens na hindi na pina-follow ni Kate Valdez ang nobyo niyang si Fumiya Sankai.
Hinala rin sila na baka naghiwalay na ang couple matapos magbahagi si Kate ng mga cryptic post tungkol sa pagiging matapat sa kaniyang Instagram stories.
“Actions reveal who a person truly is. Words only show who they PRETEND to be,” sabi sa quote cards na kaniyang ni-repost.
“The more honest you are about who you are, the faster what doesn’t belong lets go of you,” sabi pa sa isang quote.
Bukod dito, nag-post din si Kate ng lyrics mula sa mga kantang “Happier Than Ever” at “Favorite Crime.”
Maliban sa pag-unfollow sa nobyo, inalis na rin ni Kate ang mga larawan nilang magkasama sa Instagram.
Gayunman, pina-follow pa rin ng Japanese vlogger si Kate.
Naging usap-usapan ang pagde-date nina Kate at Fumiya noong Agosto 2024 matapos nilang ipagdiwang ang kaarawan ni Kate sa Hong Kong Disneyland.
Magmula noon, magkasama na silang nag-travel sa Japan at Taiwan, at kinaaliwan din ng fans sa kanilang joint TikTok account na Onigiri Lovers. Gayunman, deactivated na ang TikTok channel. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

_2025_08_15_17_56_39.jpg)