Ibinahagi ng veteran actress na si Hilda Koronel na nakatakda pa sana silang magsama sa isang pelikula ni Nora Aunor na hindi na natuloy dahil sa biglang pagpanaw ng Superstar.

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, binalikan ni Hilda kung paano siya nadiskubre, at ang kaniyang mga nakasabayan sa showbiz industry.

"Sina Nora (Aunor), Vilma (Santos), Tirso (Cruz III)," pag-alala ni Hilda tungkol sa kaniyang mga kasabayan, hanggang sa mapag-usapan nila ng King of Talk si Nora.

"We were supposed to do a film, you know… Nag-meeting na kami ng aming director, si Adolfo Alix Jr. at meron na silang project. Nag-meet na kami kasama ng writer and nasa akin na ‘yung script. And then after a week, she passed," kuwento ng aktres.

“That was really sad for me,” pagpapatuloy ni Hilda.

Nagbigay-pugay si Hilda sa Instagram nang pumanaw ang Superstar.

"I'm very saddened by Ate Guy's passing. We were discussing a project with her just before I left for home with Direk Adolfo. My deepest condolences to her loved ones and rest in peace now, Ate Guy. You are now home with our Lord. What a big loss to our industry.. but you will never be forgotten. " caption niya.

Pumanaw si Nora noong Abril 2025 sa edad 71. -- FRJ GMA Integrated News