Inihayag ni Kapuso actor Ruru Madrid na masaya siya para sa ka-love team na si Gabbi Garcia na sunod-sunod na nagiging cover ng mga magazine at product endorser.

 


"Of course I am very happy for Gabbi kasi I know na sobrang pangarap niya 'yang mga 'yan. Sobrang proud ako kasi nasubaybayan ko siya from the very start of her career and right now, she's doing her dreams na," anang binata.

"So far, sobrang ano naman kami ni Gab, lagi pa rin kaming nag-uusap and never naman siyang nakakalimot," dagdag pa ni Ruru sa press conference ng "Alyas Robin Hood 2" nitong Miyerkules sa Quezon City.

Tatlong taon na ang tambalan nina Gabbi at Ruru, at ang huling serye na ginawa nila na magkasama ay "Encantandia."  Sa ngayon, napapanood sila sa variety-comedy program na "Sunday Pinasaya."

Habang busy si Gabbi sa mga photo shoot sa loob at labas ng bansa, modelling at pag-endorso ng produkto, kasama naman si Ruru sa nagbabalik na "Alyas Robin Hood."

PARA SA ACTING

Ayon kay Ruru, pag-arte talaga ang gusto niya at pangarap din niyang maging direktor.

"Acting is my craft and this is what I love. I've been doing this for about five years and pinanganak ako para maging aktor. Hindi ko pa tinatapos yung gusto ko. Nagpe-perform din ako every Sunday sa 'Sunday PinaSaya," ayon kay Ruru.

"So para sa akin, gusto ko talagang marating yung mga... magkaroon ako ng maraming awards, makagawa ako ng pelikula someday na ako yung direktor, ako yung gumawa ng pelikula. Feeling ko doon ako sa daan na 'yon," patuloy niya.

Mayroon na umano siyang naiisip na gagawin kapag naging direktor siya.

"Siguro maiko-compare ko siya dun sa movie na ginawa ko which is 'Above the Clouds.' Gusto ko kasi yung mga movies na related sa ekonomiya ng Pilipinas, related sa mga tao. Yung makaka-relate yung mga tao dun sa pelikula," paliwanag niya.

IDOL SI DONG

Sa pagbabalik ng action-serye na "Alyas Robin Hood,"  gaganap si Ruru bilang si Andres Silang, na may tinatagong ikalawang persona bilang si "The Marbleman."

Ayon kay Ruru, sarili niyang desisyon ang pagsabak sa mga intense workout at training, dahil pangarap na niya talagang gumanap sa mga action serye.

"I am a very adventurous man, kumbaga gustong gusto kong ginagawa yung mga ganitong klaseng bagay. Gusto ko yung nahihirapan ako, nasasaktan ako, that's why nagwo-work out ako everyday, nagpa-parkour ako thrice a week and then archery. Nag-e-MMA ako kasi bata pa lang ako," kuwento niya.

"Pangarap ko talaga action so sabi ko, nandito na ako sa industry na ito, nandito na ako sa path na ito, gagawin ko na yung best ko kasi ayokong magkaroon ng double. Gusto ko lahat ng stunts ko, ako yung gagawa. Iba yung feeling, iba yung fulfilment," patuloy niya.

Sobrang saya raw ni Ruru na makatrabaho ang kaniyang tinitingalang aktor na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Si kuya Dong kasi, naka-work ko siya sa 'Encantadia' and sobrang masaya ako na naka-work ko siya dahil ever since naman, si kuya Dong 'yung tinitingala kong aktor. Hindi lang sa pag-arte, hindi lang sa show business, kumbaga pagdating na rin sa totoong buhay," saad niya.

"Marami siyang advocacies, marami siyang businesses, nagpo-produce siya, nagdidirek siya. Kung ano 'yung gusto ko maging someday, nasa kaniya so sobrang masaya ako na naka-work ko si kuya Dong and ngayon, nakasama pa ako sa 'ARH,'" ayon kay Ruru.

Ipinaliwanag din ni Ruru na malaking bagay ang magkaroon ng mga proyekto kaya tatanggapin niya ang mga trabaho basta kaya niya.

Naaalala raw niya ang sinabi noon ni Joey De Leon na huwag palampasin ang mga pagkakataon pagdating sa trabaho.

"Kumbaga i-grab mo nang grab, hangga't mainit ang sabaw, higupin mo na 'di ba?' Ayoko rin masayang 'yung pagkakataon kasi alam ko naman na hindi panghabang buhay ito, 'di ba?," paliwanag niya. -- FRJ, GMA News