Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ibinahagi ng "Kambal, Karibal" stars na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza ang kani-kanilang buhay sa loob at labas ng showbiz.

Si Kyline,  naranasan daw na magtinda ng pagkain sa kaniyang mga kaklase para magkaroon ng dagdag na pera dahil sa nakaranas din sila ng hirap sa buhay lalo nang panahon nagkahiwalay ang kanilang mga magulang.

Samantalang si Pauline, may paranormal experience naman noong bata pa dahil nakakakita raw siya ng multo. Mismong ang kaniyang ina pa nga raw ang nagkuwento sa kaniya tungkol sa isang babaeng ghost na kaniya raw kinakausap.

Kilalanin pa lalo ang dalawa sa hinahangaang kontrabida "Kambal, Karibal" sa video na ito ng "KMJS."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News