Sa kaniyang muling pagsabak sa "Lip Sync Battle Philippines," nakuha na rin ni Rhian Ramos ang championship belt laban sa kaniyang kaibigang si Solenn Heussaff.
Ayon kay Rhian, talagang nais niyang manalo pero hindi sasama ang loob niya kung si Solenn ang makakuha ng championship belt.
"I've really been waiting for this moment. I super duper wanted to win pero I, hundred percent, meant na kung natalo ako kay Solenn hindi talaga ako maa-affect. Okay lang, it's Solenn naman eh," sabi ni Rhian na nag-ala Taylor Swift na zombie.
Si Solenn naman, inaasahan na raw na gagawin ni Rhian ang lahat kaya bilib na bilib siya ipinakitang husay ng kaibigan.
"Alam ko na magiging parang buwis-buhay 'yung performance niya today. At siyempre naman na hindi sumasayaw si Rhian but napatunayan niya na isa siyang magaling na dancer na malambot ang katawan," ayon sa aktres.
Binalikan din ng dalawa ang unang sabak nila noon sa "Lip Sync Battle" kung saan nakalaban ni Rhian si Heart Evangelista, habang si Lovi Poe naman ang nakalaban noon ni Solenn. -- FRJ, GMA News
