Matapos makaranas ng stroke, isang babaeng guro ang sumailalim sa operasyon sa ulo. Ngunit dahil sa kaniyang determinasyon, nakabalik siya sa pagtuturo makaraan lamang ang apat na buwan. Saan nga ba siya humuhugot ng lakas?
Sa nakaraang episode ng “i-Listen,” ikinuwento ni Teacher Jennifer Bangona na matapos maoperahan, dumating pa sa puntong hindi niya maiangat ang kaniyang kanang kamay.
Tatlong buwan matapos maoperahan, sinubukan niyang galawin ang kaniyang laptop at mag-solve.
“Tapos nasabi ko noong after four months, ‘Okay na ako, babalik na ako sa work.’ I am blessed din kasi napakabait ng principal namin doon,” sabi ni Teacher Jennifer.
Laging section 1 ang advisory class ni Teacher Jennifer.
Ibinahagi rin ng guro ang relasyon niya sa kaniyang anak na lalaki.
“Siya 'yung sweetheart ko pa rin. My sweetheart, my sweetie pie, my everything. 'Yung araw-araw gigising ako, how blessed I am, nagkaanak ako. Madaming gustong magkaanak pero hindi nagkaanak. So, I am blessed. So, itini-take ko siya lagi na positive. 'Yung araw-araw kini-kiss ko paggising, ‘Sweetie, sweetie, gising na, papasok na,’” anang guro.
Payo ni Teacher Jennifer, matutong makuntento sa mga simpleng bagay.
Inilahad din ng guro ang kaniyang natutunan mula sa kaniyang karanasan.
“Si God talaga 'yung may hawak ng buhay natin. Hindi tayo puwedeng kung ano 'yung gusto natin, magagawa natin. Si God ang may hawak niyan. So, we must know how to submit. Actually, ‘yun 'yung pinaka natutunan ko diyan,” payo niya.
“Kasi before ako na-stroke, mayabang din ako sa sarili. ‘Ay, kaya ko ‘to, kaya ko ‘to.’ Nu’ng na-stroke ako, ‘Lord, I cannot do this.’ Wala na, nag-surrender na ako na ‘Lord, hindi lahat ng gusto ko ibibigay Mo. So, Ikaw na lang 'yung masusunod. Submit to God, and everything will follow,” dagdag niya.
Napagtanto rin ni Teacher Jennifer na blessed din siya sa iba pang mga bagay.
Ang mensahe niya sa ibang nagpapagaling din mula sa stroke; “Think positive, and give everything to God. Lahat ng meron tayo galing kay God. Kung anong talino, kung anong galing natin, kung anong capability natin, galing kay God. So we only need to surrender to Him, and huwag mong hayaang idown ng sarili mo. Bumangon ka pa rin, tumayo ka pa rin. You can do it. You think positive, kasi hindi ka nag-iisa, nandiyan si God sa likod mo.”
--FRJ GMA News