Susupindehin ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto ang odd-even scheme sa kanilang lungsod.
Ayon sa ulat ni Lei Alviz sa "24 Oras", sinabi rin ni Sotto na tatanggalin niya ang quota system daw ng mga traffic enforcer sa Pasig.
"Siyempre gumanda 'yung traffic sa ilang streets na 'yun kasi pinagbawal mo kalahati ng sasakyan," Sotto said.
"Pero kung mag-zoom out po tayo, tingnan 'yung kabuuan, ' di lang Pasig, pati mga kalapit na LGU, tulad ng Cainta, Taytay, Taguig... 'di po nakatulong 'yung odd-even," he added.
Tungkol naman sa diumano'y quota ng mga enforcer, ito ang sabi ni Sotto: "Kasi ngayon ang laki ng quota so imbes na daloy ng trapiko ang inaasikaso nila, iniisip nila, kailangan ko pa manghuli, kasi may tiket pa ako."
Itinanggi naman ng mga traffic enforcer na meron silang quota ng mga huli. —NB, GMA News
