Patay matapos barilin ang isang dating pulis sa Mabitac, Laguna

Ayon sa ulat sa "Unang Balita", nahagip sa CCTV ang pamamaril.

Makikitang nagwawalis sa tapat ng punerarya ang biktimang si Victor Recio.

Pagdaan ng isang tricycle, kasunod na na pala ang mga salaring nakamotorsiklo.

Binaril nila sa ulo si Recio na humandusay sa kalsada.

Hindi pa nakuntento ang mga salarin, bumalik pa sila at muling binaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ang motibo sa krimen. —NB, GMA News