Sa kanilang pagbisita sa "Kapuso ArtisTambayan," sumabak sa laglagan portion ang mga teen star na bida sa Kapuso hit afternoon series na "Prima Donnas." 

Dito nagbustuhan sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo, Will Ashley, Vince Crisostomo at Julius Miguel, kung sino sa kanila ang laging tulog sa set, madalas sa mabulol sa pag-deliver ng linya, mabilis mapikon at iba pa.

Panoorin ang masaya nilang bukingan sa video na ito.


-- Jamil Santos/FRJ, GMA News