Ngayong ganap nang kinilala sina  Donna Belle at Donna Lyn bilang miyembro ng angkang Claveria, papasok naman ang karakter ni James Blanco. Ang mga tagasubaybay ng hit Kapuso afternoon series, may kani-kanilang hula kung ano ang kaniyang magiging papel sa buhay ng magkakapatid.

Ang ilang netizens, humuhula na magkakaroon ng kaugnayan ang karakter ni James kay Donna Marie o Mayi, na hindi pinalad na kilalaning anak ni Jaime dahil sa resulta ng DNA test.


Magiging kakampi nga kaya mga Donnas si James, o maging pakawala rin siya ni Kendra? Patuloy na tutukan ang tumitinding kuwento ng "Prima Donnas.

Balikan din ang makasaysayang tagpo nang ipakikilala na ni Jaime sina Donna Belle at Donn Lyn bilang mga tagapagmana ng pamilyang Claveria.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News