Arestado ang 13-taong gulang na lalaki matapos umanong pagsamantalahan ang dalawang menor de edad sa Pangasinan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Kapitbahay daw ng suspek ang mga biktima na may edad anim at apat na taon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ang mga batang biktima nang tawagin ng suspek. Unang hinalay ang anim na taong gulang na bata at pagkatapos ay ang apat na taong gulang na biktima.

Wala pang pahayag ang suspek. —KBK, GMA News