Nasabat sa isang checkpoint sa Catbalogan, Samar ngayong Holy Wednesday ang isang sasakyan na may karga umanong hinihinalang shabu na aabot sa 15 kilo.
Sa press conference, sinabi ni Police Lieutenant Nadame Malang, tagapagsalita ng Philippine National Police - Highway Patrol Group (HPG), na pinara ang naturang sasakyan dahil sa basag ang fog light nito.
“Nakita by a plain view doctrine na nasa likod lang po ng passenger seat and driver seat itong more or less 15 kilos na hinihinalang shabu na merong standard drug price value worth P102 million,” ayon kay Malang.
Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang sinusuri at iniimbentaryo ang mga nasabat na ilegal na droga, sabi pa ni Malang. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News

