Inilahad ni Ruffa Gutierrez na nag-uusap at maganda ang samahan nila ngayon, pati ng kaniyang mga anak, sa dati niyang asawa na si Yilmaz Bektas.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, ibinalita ni Ruffa na nagkaroon sila ng pagkakataon ni Yilmaz na mag-usap sa telepono.

“Ang tagal na naming hindi nagkita. On the phone, naging magkaibigan na kami, nagtetelebabad kami. And I think ‘pag in person, aabot kami ng mga eight hours siguro kapag nagkuwentuhan kami. Kasi one hour pa lang na nag-uusap kami on how we met, and we’re already playfully arguing about how we met na ‘Ikaw ang naghabol sa akin,’ sabi niya, ‘No, ikaw ang naghabol sa akin. Excuse me?’” kuwento ni Ruffa.

Inalala ni Ruffa ang unang pagkikita nila noon ni Yilmaz, kung saan napagkamalan pa niya itong driver at tinarayan pa niya ito.

Si Ruffa rin ang nagturo kay Yilmaz, isang Turkish, na mag-Ingles.

“So I think it’s been more than like 20 years since we last saw each other, since the last time he came to visit me here. So marami kaming pag-uusapan, especially tungkol sa mga anak namin. It may not have to be romantic, but I think it would be nice to have a nice dinner with him,” sabi niya.

Ayon kay Ruffa, single ngayon si Yilmaz, at pinabulaanan ang mga espekulasyon na muli raw itong nagpakasal matapos ang kanilang annulment.

“Hindi totoong nagkaroon siya ng bagong asawa. Nagkaroon siya ng fiancé, hindi natuloy. And he doesn't have any children after Lorin and Venice,” paglilinaw niya.

“Kasi pag ex mo na, hindi mo na pinag-uusapan eh. Hindi na kayo masyadong close. Depende ha. Every relationship is different. But I think with Yilmaz, because we have children, we still have to talk. And it's better if you talk and you're in good terms, na magkaibigan kayo,” dagdag niya.

Bago nito, hindi naging madali ang pinagdaanan nina Ruffa at Yilmaz bago sila naging muling mabuting magkaibigan.

“It took a while to get there, Tito Boy. So nag-away kami ng ilang years, ilang years din kami hindi nag-usap. May mga times na galit na galit ako sa phone. So ngayon, nag-iingat na ako on how to talk about this.”

Diretsahang tinanong ni Tito Boy si Ruffa sa posibilidad na magkabutihan sila ni Yilmaz at muling magpakasal.

“I'm not never ever saying never. But probably not. Because I believe that our friendship now is made to last with the girls. I love our friendship now. Kasi pag nag-selos ‘yan, mahirap siyang makasama.”

“I don't want to say anything bad about Yilmaz anymore because my kids are flying there,” sabi pa niya.

Venice at Lorin, nag-reunite sa kanilang ama sa Turkiye.

Matatandaang lumipad ang mga anak ni Ruffa na sina Venice at Lorin at nag-reunite sa kanilang amang si Yilmaz.

Ayon kay Ruffa, masaya na rin ang kaniyang mga anak kung saan siya masaya.

“They respect and they're happy when I'm happy.”

Maganda rin ang relasyon ng kaniyang mga anak sa kanilang ama.

“Maganda. Kasi they're able to talk to him already nang direkta. And so, they're in Turkey now. They're having a great time. They're on vacation.”

Bagama’t patuloy na nagpapaabot ng pinansiyal na suporta si Yilmaz sa mga anak, sinabi ni Ruffa na siya pa rin ang “sole provider” para sa kaniyang mga anak.

“I like that because I make the decisions pa rin. Kasi they grew up with me,  and I worked so hard. So, I mean, if he wants to give, maraming salamat, thank you.”

“I was never dependent. My mom said na mas maganda ‘yung may freedom ka,” dagdag ni Ruffa.

Matapos maghiwalay noong 2007, na-annul ang kasal nina Ruffa at Yilmaz.

Bumisita na rin sina Lorin at Venice noong 2022 at muling nakita ang kanilang ama sa Istanbul matapos ang 15 taon paghihintay. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News