Sinabi ni Jake Paul na “handa siyang mamatay” sa ring matalo lang ang mas malaki sa kaniya na si Anthony Joshua.
Sa kanilang unang faceoff sa Miami, kapansin-pansin ang laki ng agwat sa kanilang taas ni Joshua na 6-foot-6, kumpara kay Paul na 6-foot-1.
"I just have to avoid that one shot for eight rounds, and I believe that I can do that," ani Paul. "I want him to cut me up. I want him to break my face, but guess what? He's going to have to kill me to stop me, and I'm ready to die. Seriously. Ready to die in the ring to win this fight."
Magtutuos sina Joshua at Paul sa Disyembre 19 sa Kaseya Center sa Miami para sa isang eight-round heavyweight bout na ipalalabas sa Netflix.
Umaasa si Paul sa kaniyang game plan na nakabatay sa bilis, anggulo, at disiplina. Tinawag niyang isa si Joshua sa pinakamahusay na heavyweight boxers sa kasaysayan.
"I like to challenge myself. I like to take on the biggest, the best. I said anyone, anytime, any place," sabi ni Paul. "No one ever thought that this would be possible, that we would be here when I first started boxing, and no one thinks I'm going to win."
Sinabi naman ni Joshua na babasagin niya ang mukha at babaliin ang katawan ni Paul.
"It's massive. It's colossal. It's making big news. We're bringing marketability together with ability," ani Joshua. "If I'm going to be honest, I'm going to break his face, I'm going to break his body up, I'm going to stomp all over him."
Kabilang sa patakaran sa laban ay hindi dapat lalampas sa 245 pounds ang timbang ni Joshua sa opisyal na weigh-in. Karaniwan siyang nasa 250 pounds o higit pa sa mga huling laban.
Si Paul naman na nagpapapayat para sana sa nakansela nilang laban ng mas “maliit” na si Gervonta Davis, inaasahang tatapak sa pagitan ng 215 at 225 pounds matapos na magpalaki muli ng katawan.
Kinikilala si Joshua (28-4, 25 KOs) na isa sa mga destructive punchers sa heavyweight division.
Samantala, may 12-1, 7 Kos record si Paul, na kabilang sa mga tinalo ay sina Tyron Woodley, Anderson Silva at ang legend na 59-anyos na si Mike Tyson (via decision).
"People say, ‘I respect Jake Paul for getting in there,'" ani Paul. "No. Respect me because I'm about to win." --Field Level Media/Reuters/FRJ GMA Integrated News

