Nasawi ang isang Grade 7 na estudyante matapos na barilin sa ulo ng salaring sakay ng motorsiklo sa Malita, Davao Occidental.

Sa ulat sa Super Radyo dzBB ni King Pandia ng Super Radyo Davao nitong Lunes, sinabing naglalakad lang ang 14-anyos na biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Malita nitong weekend nang lapitan siya ng salarin at barilin sa ulo.

 

 

Matapos ang pamamaril, tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, at motibo sa krimen. – FRJ GMA Integrated News