Nasugatan ang isang limang-taong-gulang na lalaki matapos maipit ang kaniyang kamay sa escalator ng isang mall sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ni James Paolo Yap sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, kaagad namang napatigil

Nagtamo ng bahagyang sugat ang bata na dinala sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) para magamot.

Ayon kay Police Capt. Emelita Simon, tagapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office, tumatakbo ang bata sa ikalawang palapag ng mall at aksidenteng napunta sa escalator kung saan nangyari ang insidente.

Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga magulang na laging maging mapagmatyag kapag kasama ang kanilang mga anak.

Nakikipag-ugnayan pa ang GMA Regional TV One Mindanao sa pamunuan ng mall at sa mga magulang ng bata para sa kanilang pahayag. – FRJ GMA News