Matapos na may tumama ng mahigit P57 milyon sa lotto 6/42 nitong Huwebes, isa na namang mananaya ang masuwerteng nanalo ng jackpot na P97 milyon sa Megalotto 6/45 draw ngayong Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na winning combination sa mega lotto ay 43-02-13-05-36-01, at may kabuuang premyo na P97,966,977.93.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 na umabot na ang jackpot prize sa P128,000,000.00. Ang lumabas na mga numero ay 15-25-54-27-08-56.
Nitong Huwebes, isang mananaya ang nanalo ng P57,645,619.60 matapos niyang mahulaan ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na 29-09-31-33-19-24. – FRJ GMA News

