Hindi na rin naka-follow si Kobe Paras sa Instagram account ni Kyline Alcantara, na dating nauugnay sa kaniya.
Nitong Martes ng umaga, wala na si Kobe sa listahan ng mga follower ni Kyline sa naturang platform.
Nauna nang napansin ng netizens nitong weekend na nag-unfollow si Kyline kay Kobe, pero naka-follow pa noon ang binata sa aktres.
Wala pang pahayag na inilalabas ang dalawa tungkol dito.
Matapos mapaulat noong November 2024 na "dating" ang dalawa at may mga sweet video na lumabas sa social media, walang opisyal na pahayag sina Kobe at Kyline tungkol sa kanilang relasyon.
Nitong nakaraang Disyembre, inihayag ni Kyline na ipinakilala na niya si Kobe sa kaniyang mga magulang.
At nito lang nakaraang Pebrero, naging emosyonal si Kyline nang ma-meet ang pamilya ni Kobe sa L.A
Nagkapareha pa ang dalawa sa online miniseries na “Miss Legends.” — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News
