Nagpaabot ng pakikilamay ang Palasyo ng Malacañan sa pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan ni National Artist at eskultor na si Napoleon Abueva, na pumanaw sa edad na 88 nitong Biyernes.
Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni National Artist for Sculpture Napoleon Abueva. | via @mamutuesday
— DZBB Super Radyo (@dzbb) February 16, 2018
Kinumpirma sa GMA News ng kapatid na si Jose Abueva ang pagpanaw ng eskultor.
Hindi pa inanunsyo ng pamilya Abueva ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Kabilang sa mga tanyag na likha ni Abueva ang "Nine Muses" na nsa University of the Philippines sa Diliman at ang "Bohol Blood Compact" na nasa Bohol, ang probinsyang kanyang pinanggalingan.
Siya rin ang naglilok ng "door handles" ng National Museum of the Philippines.
—LBG, GMA News
